Dengue cases sa 3 rehiyon bantay-sarado sa DOH

Dengue cases sa 3 rehiyon bantay-sarado sa DOH

May 31, 2022 @ 1:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Mahigpit na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Central Luzon, Central Visayas, at Zamboanga Peninsula, ayon sa opisyal ng ahensya.

Ayon sa datos ng DOH, nasa 6,622 dengue casesĀ  ang iniulat mula Abril 10 hanggang May 7,2022, karamihan ay mula sa Region 9 na may 908 kaso (14%), Region 7 na may 881 kaso(13%) , at Region 3 na may 593 kaso (9%).

Sinabi ni DOH Epidemiology Bureau chief Dr.Alethea de Guzman na ang mahigpit na binabantayan ay mga lugar sa Region 7 ,Region 9 at Region 3Ā  dahil sila ang may malaking kontribusyon sa mga bagong kasoĀ  na nakita sa nakaraang buwan maliban sa NCR o National Capital Region.

Nakitaan ang pagtaas ng kaso ng dengue simula sa pagtatapos ng buwan ng Marso.Binanggit naĀ  ang 11,435 na kaso ng dengue na naitala mual Marso 20 hanggang Abril ay 94% na mataas kaysa kaso na iniulat sa kaparehongĀ  panahon noong 2021 na nasa 5,901.

Sa Zamboanga,19 indibidwal na ang namatay batay sa ulat kung saan nagdeklara ng outbreak.Ang kaso sa lugar ay umabot sa mahigit 2,000 mula Enero hanggang May 14,2022.

Samantala, 11 naman ang nasawi sa Cebu City dahil din sa dengue na may mahigit 700 kaso ng dengue na naitala noong EneroĀ  hanggang Mayo 7,2022. Ang nasabingĀ  bilangĀ  ay ang pinakamataasĀ  sa Central Visayas , ayon sa DOH Central Visayas.

Sa kabila nito, sinabi ng DOH na mayroong 6%Ā  decreaseĀ  na naitala mula sa 27,010 dengue cases noong 2021 sa 25,268Ā  ngayong taon Ng kaparehong panahon, base sa datos na nakalap ng Epidemiology Bureau.

Nauna nang tiniyak ni Health Usec Myrna Cabotaje sa publiko na ang kaso ng dengue sa bansa ay nanatiling manageable pero inabisuhan na aniya ang mga health facilitiesĀ  na maghanda para sa pagtaas ng admissions lalo na sa mga bata.

Pinaalalahanan din ng DOH ang publiko na ugaliin ang 4S behaviors para labanan ang dengue.

Ang 4S ay tumutukoy sa Secure self-protection; Seek early consultation;Ā  and Support fogging or spraying in hotspot areas lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden