Dengue cases sa Central Visayas, tumaas – DOH

Dengue cases sa Central Visayas, tumaas – DOH

November 5, 2022 @ 5:07 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Department of Health na nakikitaan ng pagtaas ng kaso ng dengue sa lahat ng probinsya sa Central Visayas.

Sa datos ng DOH, mayroon nang 15,636 kaso sa Central Visayas, na naitala mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.

Mas mataas ito ng 2000 kumpara sa sa inilabas ng DOH na datos ng naturang sakit noong Setyembre.

Nangunguna ang Cebu sa bilang ng mga kaso na nasa 6,398, sinundan ng Cebu City na may 2,696 kaso.

Pumangatlo naman ang Bohol na mayroong 2,334 kaso habang 1,814 naman ang naitala sa Negros Oriental .

Sa Lapu-Lapu City ay umabot sa 1,455 kaso habang 800 sa Mandaue.

May pinakamaliit o mababang naitala sa Siquijor na mayroon lamang 139.

Nasa 95 naman ang naitalang namatay sa naturang sakit sa buong rehiyon.

Ang lahat ng mga lalawigan at lungsod ay nagsusumikap ngayon upang maiwasan ang higit pang pagtaas ng sakit na ito na dala ng lamok.

Sa ngayon, hindi nagdedeklara ang local government units sa rehiyon ng outbreak kung saan sinabi ng DOH-7 na manageable pa ang mga kaso.

Samantala, iniulat din ng DOH-7 ang dumami rin ang kaso ng tigdas noong Oktubre .

Sa kasalukuyan, mayroong 267 kaso sa rehiyon simula ngayong taong 2022 , pero ang lahat ng pasyente ay gumaling na. Jocelyn Tabangcura-Domenden