Dengue cases sa Iloilo tumabo sa 1,846

Dengue cases sa Iloilo tumabo sa 1,846

May 24, 2019 @ 6:03 PM 3 years ago


Iloilo City – Hinikayat ng Iloilo Provincial Health Office (PHO) ang mga local government officials na tumulong sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa dengue prevention.

Ito ay matapos na tumabo sa 1,846 dengue cases na ang naitala mula Enero hanggang May ngayong taon mula sa 43 bayan ng probinsya.

10 indibidwal mula sa mga kasong ito ang naitalang patay ayon kay Dr. Maria Socorro Colmenares-Quiñon.

“We have not yet experienced rainy days but we already recorded many cases of dengue. So, maybe with the upcoming rainy days we will have more dengue cases,” pangamba naman ng doktora.

Dahil dito ay ipinanawagan ni Quiñon ang papel ng mga LGUs sa pagpapakalat ng impormasyon para malabanan ang dengue.

Malaki rin ang magiging papel ng mga maagap na magulang para sa kalusugan ng kanilang anak. Remate News Team