Dengue cases sa Pinas 143% mas mataas kumpara noong 2021

Dengue cases sa Pinas 143% mas mataas kumpara noong 2021

August 30, 2022 @ 1:42 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- May kabuuang 118,785 na kaso ng dengue ang naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 13, 2022, na mas mataas ng 143% kumpara sa naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon, sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Martes.

Batay sa national dengue data ng DOH noong Agosto 13, mayroong 48,867 kaso na naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 13, 2021.

Sa kabuuan, karamihan sa mga kaso ng dengue ngayong taon o 18% ay naiulat sa Central Luzon sa 21,247.

Sinundan ito ng Central Visayas na may 11,390 kaso (10%), at National Capital Region (NCR) na may 11,064 (9%).

Sa pangkalahatan, nakapagtala rin ng 19,816 kaso ng dengue cases mula Enero 17 hanggang Agosto 13 lamang.

Nanguna sa listahan ng mga rehiyon ang Central Luzon na may pinakamaraming kaso ng dengue sa nagdaang panahon na may 3,457 kaso o 17%.

Sinundan ng NCR na may 3,131 (16%), at ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may 2,106 (11%).

Ang death tollsa buong bansa dahil sa dengue ay tumalon na ngayon sa 400,na naglalagay ng 0.3% na kaso ng fatality rate.

Sa mga pagkamatay na ito, 35 ang naganap noong Enero; 31 noong Pebrero; 37 noong Marso; 47 noong Abril; 62 noong Mayo; 74 noong Hunyo; 100 noong Hulyo; at 14 noong Agosto.

Sinabi ng DOH na anim sa 17 rehiyon ang lumampas sa epidemic threshold para sa dengue sa nakalipas na apat na linggo o mula Hulyo 17 hanggang Agosto 13.

Ang mga rehiyong ito ay ang Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, CAR, at NCR. Sa mga rehiyong ito, ang NCR ang nagpakita ng “sustained increase trend” ng mga kaso ng dengue sa parehong panahon, ipinunto ng DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden