Dengue cases sa Pinas sumampa sa 64,797

Dengue cases sa Pinas sumampa sa 64,797

July 11, 2022 @ 1:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mayroon nang 64,797 kaso ng dengue sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, 2022.

Base ito sa latest National Dengue data, ayon sa Department of Health (DOH)

Sa kabuuan, ang mga kaso sa taong ito ay 90% na mas mataas kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong panahon noong 2021 na nasa 34,074.

Karamihan sa mga kaso ng dengue ay naiulat mula sa Region III (9,426 15%), Region VII (7,741, 12%) ,Region IX (5,684, 9%)

Mula naman May 29 hanggang Hunyo 25,2022 nasa 21,115 na kaso ang naitala at ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga kaso ay ang Region III: 3,902 (18%), Region VII: 2,316 (11%), NCR: 1,997 (9%)

Sa buong bansa, mayroong 274 na pagkamatay na iniulat (case fatality rate=0.4%).

Ang mga pagkamatay na ito ay iniulat naman noong January, 36; February, 32;March: 39,April: 46;May, 63; June, 58. Jocelyn Tabangcura-Domenden