Dengue cases sa Pinas sumampa sa 65,190

Dengue cases sa Pinas sumampa sa 65,190

July 19, 2022 @ 1:28 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Mayroon nang 65,190 na kaso ng dengue sa bansa na iniulat mula Enero 1 hanggang Hulyo 2,2022.

Ayon sa Department of Health (DOH) ito ay  batay sa National Dengue Data hanggang  nitong Hulyo  2, 2022 (MW26).

Ang pinagsama-samang kaso ngayong taon ay 83% na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong 2021 na nasa 35,715 lamang.

Karamihan sa mga kaso ng dengue ay naitala sa Region III (9,448, 14%), Region VII (7,771, 12%), at Region IX (5,708, 9%).

Mula Hunyo 5 hanggang Hulyo 2, 2022,  kung saan 16,324 na kaso ang naitala, ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga kaso ay ang  Region III: 3,196 (20%) NCR: 1,729 (11%) Region VII: 1,703 (10%)

Lumampas naman ang 13 sa 17 rehiyon sa limitasyon ng epidemya sa nakalipas na apat na linggo (Hunyo 5 hanggang Hulyo 2, 2022) kung saan ang mga Rehiyon III, MIMAROPA, V, VI, IX, XI, XII, BARMM at CAR ay nagpapakita ng patuloy na pagtaas ng trend mula Hunyo 5 hanggang Hulyo 2, 2022.

Sa buong bansa, mayroong  274 deaths na iniulat (Case Fatality Rate=0.4%).

Ang mga pagkamatay  ay iniulat noong :

Enero: 36

Pebrero: 32

Marso: 39

Abril: 46

Mayo: 63

Hunyo: 58. Jocelyn Tabangcura-Domenden