Dengue sa C. Visayas sumirit sa 13,000 kaso

Dengue sa C. Visayas sumirit sa 13,000 kaso

September 16, 2022 @ 7:57 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Sumampa na sa mahigit 13,000 ang bilang ng kaso ng dengue sa Central Visayas ngayong taon.

Sa pinakahuling health bulletin mula sa Department of Health  Region 7 umabot na sa 13,263 ang kaso ng dengue sa buong region mula Enero hanggang ikalawang linggo ng Setyembre ngayong taon.

Ang bilang ay nagdala  ng pagtaas ng higit sa 1,000 mga bagong kaso mula Agosto 20.

Ang lalawigan ng Cebu pa rin ang may pinakamaraming kaso na nasa 5,291 at 32 ang nasawi kasunod ang Cebu City na mayroon na ngayong 2,373 na kaso kung saan 25 ang natitira.

Ang lalawigan ng Bohol ay mayroong 1,960 kaso at isang namatay, habang ang Negros Oriental ay may 1,484 na kaso at anim na namatay.

Ang mga component city ng Lapu-Lapu City at Mandaue ay mayroong 1,340 at 708 na kaso ayon sa pagkakasunod.

Ang lalawigan ng Siquijor ay mayroong 107 kaso na walang nasawi simula noong 2022.

Sa kabila ng pagtaas, walang local government unit ang nagrekomenda na ilagay ang kanilang mga lugar sa ilalim ng outbreak declaration.

Ang DOH ay naghahanda rin para sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng  leptospirosis dahil karaniwan na ang pagbaha sa rehiyon matapos ang malakas na mga pag-ulan.

Nakapagtala ang rehiyon ng 151 na mga kaso ng leptospirosis at 22 pagkamatay simula Enero hanggang Setyembre 15 ngayong taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden