Dengvaxia case, posibleng matakasan ni Aquino

Dengvaxia case, posibleng matakasan ni Aquino

August 6, 2018 @ 4:22 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Inamin ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa pagdinig ng taunang alokasyon ng Department of Justice na posibleng maligtasan ni dating Pangulong Noynoy Aquino III ang kasong nakasampa dito dahil sa kontrobersyal na dengvaxia vaccine.

Sa kaniyang pagharap sa House Committee on Appropriations para idepensa ang panukalang mahigit P31 bilyon 2019 budget, sinabi ni Guevarra na patuloy pa rin ang preliminary investigation sa mga kasong isinampa ng Public Attorney’s Office (PAO) laban kay Aquino.

Kasama rin sa imbestigasyon sina dating Budget Secretary Butch Abad, dating Health Secretary Janette Garin, Health Secretary Francisco Duque at iba pang kasalukuyang opisyal ng Department of Health, ilang opisyal ng Sanofi Pasteur, Zuellig Pharmacy at iba pa.

Ayon sa kalihim, depende pa rin sa mga ebidensya kung kakasuhan o ibabasura ang mga kaso laban sa mga nasabing oisyal.

Magugunitang nagsampa ang PAO ng magkakahiwalay na kasong criminal negligence resulting to reckless imprudence, paglabag sa consumer protection act, obstruction of justice at paglabag sa anti-torture act laban sa mga sangkot sa Dengvaxia mess.

“All of this complaints are now under preliminary investigation by a panel of prosecutors of the DOJ we are still in the stage of exchanging or submitting pleadings and in due time will be ready to come up with our resolution either for dismissal or filing in court as a case maybe as the evidence will warrant,” ayon kay Guevarra.  (Meliza Maluntag)