Dengvaxia tablado sa National Dengue Task Force

Dengvaxia tablado sa National Dengue Task Force

August 21, 2019 @ 3:10 PM 2 years ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hindi sang-ayon ang National Dengue Task Force sa muling pagbuhay sa paggamit ng dengvacia vaccine sa gitna ng national dengue epidemic sa bansa.

Paliwanag ni CALABARZON Regional Director at National Dengue Task Force Chairman Eduardo Janairo na mayroon pa ring tinatamaan ng dengue kahit pa naturokan na ng Dengvaxia.

Hindi naman irerekomenda ni Epidemiology Bureau Director Ferchito Avelino ang mass immunization gamit ang Dengvaxia.

Aniya, karamihan sa mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia ay tutol nang gamitin muli ang bakuna gayunman may opsyon naman aniya kung nanaisin naman ng mga pribadong indibidwal na magpabakuna kung kanilang nanaisin. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •