Dengvaxia Update: DOH, magpapadala ng health workers sa mga kumunidad na nabakunahan ng Dengvaxia

Dengvaxia Update: DOH, magpapadala ng health workers sa mga kumunidad na nabakunahan ng Dengvaxia

June 29, 2018 @ 8:37 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Magpapadal ng health workers na may pagsasanay sa Psychosocial Interventions ang Department of Health (DOH)  para umalalay sa mga apektadong kumunidad lalo na sa mga nabakunahan ng Dengvaxia at sa kanilang pamilya.

 

Ayon kay DOH- CALABARZON Regional Director Eduardo Janairo, kailangan ang agarang pagpapadala ng mga health workers sa rehiyon upang magabayan  at maibsan ang mga pag-aalala ng mga nabigyan ng naturang bakuna.

 

“We need to immediately deploy these trained health workers to Dengvaxia affected communities in the region in order to address concerns such as depression, anxiety and psychosocial problems that vaccinees and their families have been experiencing since the start of the Dengvaxia panic,” ani Dr. Janairo sa pagtatapos ng pagsasanay para sa Psychosocial intervention .

 

“These health workers can effectively facilitate interventions because they are taught to recognize signs of psychosocial distress and can employ supportive listening techniques, provide education about stress reduction techniques, as well as making a referral to specialist support if required, and available,” paliwanag pa ni Janairo.

 

Nasa 430 health workers ang nagsanay kabilang ang provincial health team leaders,  development management officers, program managers, nurses, medical technologists, provincial and municipal health officers at barangay health workers.

 

Dagdag  pa ni Janairo, ang DOH Psychosocial Support Team ay magbabahay-bahay upang bisitahin ang mga nabakunahan ng Dengvaxia  at kanilang pamilya.

 

Ayon naman sa  Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), may 366 karagdagan pang hinihinalang kaso ng Dengvaxia ang iniulat mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 22,2018. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)