Denice vs Ham 2, kasado na

Denice vs Ham 2, kasado na

January 25, 2022 @ 4:39 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Babanat na sa ematch si  Filipina mixed martial arts (MMA) fighter Denice Zamboanga kontra kay  South Korea’s Ham Seo Hee sa  ONE X sa Marso 26.

Inanunsiyo ng ONE Championship nitong Lunes na maghaharap ang dalawa sa isang showpiece event sa  Singapore Indoor Stadium, anim na buwan makaraan ang una nilang engkuwentro na nagtapos sa kontrobersiyal na bakbakan.

Tinalo ni  Ham si Zamboanga via split decision sa kanilang quarterfinal showdown sa ONE Atomweight Grand Prix, bagamat isa itong contested result ay sumailalim pa rin ito sa pagre-review ng promotion.

Ang resulta ang nag-angat kay Ham para umabanse sa semifinals sa Grand Prix, pero ang beteranang Koreana ay umatras dahil sa injury.

Unang mantsa sa rekord ni Zamboanga ang pagkatalo niya kay Ham dahil may hawak siyang walong panalo sa MMA matches. Hindi na nagkaroon ng laban ang Pinay matapos ang pagsagupa kay Ham.

Samantala, ang magwawagi sa  Ham-Zamboanga rematch ay may tsansang magkaroon ng laban sa  ONE Women’s Atomweight World Championship, na itatampok din sa ONE X.

Magbabalik naman sa bakbakan si defending women’s atomweight champion Angela Lee kontra Stamp Fairtex, ang nagwagi sa ONE Women’s Atomweight Grand Prix. JC