Denice Zamboanga balik octagon sa ONE Manila card

Denice Zamboanga balik octagon sa ONE Manila card

November 8, 2022 @ 1:05 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Magbabalik aksyon si ONE women’s atomweight contender Denice Zamboanga sa unang pagkakataon mula noong Marso at sasagupain si Chinese star Lin Heqin sa ONE sa Prime Video 5 sa Disyembre 3.

Mula sa sunod-sunod na pagkatalo laban kay Seo Hee Ham, susubukan ng 25-anyos na bumalik para muling magtangka sa world title na kasalukuyang hawak ni Angela Lee ng Singapore.

Si  Zamboanga ang dating nangungunang contender para sa sinturon ni Lee bago nabuntis ang huli at ang mga live event ng ONE ay natigil dahil sa pandemya ng COVID-19.

Nagpasya ang Singapore promotion na kailangang dumaan ni Zamboanga sa inaugural ONE Women’s Atomweight World Grand Prix, ngunit siya ay natisod nang maaga sa isang pinagtatalunang desisyon laban kay Ham sa quarterfinal.

Ngunit sa ONE X, muling natalo si Zamboanga kay Ham habang nagpupumilit siyang mahanap ang kanyang rhtyhm.

Lumalaban ngayon sa ilalim ng TREX MMA, susubukan ni  Zamboanga na talunin si Heqin.

Ang laban nina  Zamboanga laban Heqin ay ang pinakahuling handog na nagtatampok ng mga Filipino fighters sa unang live event ng ONE Championship sa Maynila mula noong pandemic.JC