Deniece at Cedric, tahimik sa pagkatalo, sumibat pa-Singapore!

Deniece at Cedric, tahimik sa pagkatalo, sumibat pa-Singapore!

March 18, 2023 @ 2:56 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Maituturing na kakatwa ang pananahimik ni Deniece Cornejo makaraang ibasura ng Supreme Court ang reklamo nitong rape at acts of lasciviousness laban kay Vhong Navarro kamakailan.

Ayon nga sa 41-pahinang desisyon ng Kataas-taasang Hukom ay inconsistent o hindi tugma ang mga sinumpaang salaysay ni Deniece kaugnay ng mga insidenteng naganap ilang taon na ang nakakaraan.

Nakapagtataka raw na walang post si Deniece sa social media tungkol sa kanyang reaksyon.

Maging ang sangkot ding si Cedric Lee ay tahimik gayong nang buksang muli ang kaso’y nakapagpost pa ito na hindi pa raw tapos ang laban.

Mahihinuhang may implikasyon ito na mapapanagot ng kanilang kampo si Vhong, na hindi nangyari at mangyayari.

Sa gitna ng usaping odd silence nina Deniece at Cedric ay nagpost ang isang nagngangalang Joey Ledesma sa Twitter na nitong March 16, Huwebes ay tumulak patungong Singapore ang dalawa.

Lalo pang tumibay ang ispekulasyon ng tungkol sa itinatangging relasyon nina Deniece at Cedric.

Nanindigan kasi si Deniece na isang malapit lang niyang kaibigan si Cedric na tumulong lang sa kanya sa sinapit nito.

Nagtataka rin ang mga netizens kung bakit pinayagang makaalis ng bansa si Cedric gayong convicted daw ito sa kaso.

Ang tinutukoy ng mga netizen ay ang pagkakasangkot ni Cedric sa kaso ng dating mayor ng Mariveles, Bataan na si Angel Peliglorio Jr. kaugnay ng P43 million plus na ginamit sa pagpapatayo ng public market na hindi naman naisakatuparan.

Samantala, sarkastiko namang binanggit ng dismayadong si Kat Alano ang mga kaibigan ni Vhong na sumuporta rito para maabswelto sa kaso.

Gayunpaman, magreklamo man ang mga taong hindi natuwa sa desisyon ng Supreme Court ay wala na silang magagawa.

Tapos na ang laban, may nanalo na! Ronnie Carrasco III