Denise Esteban, aminadong wild sa gabi!

Denise Esteban, aminadong wild sa gabi!

October 28, 2022 @ 4:45 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Very fresh si Denise Esteban ang um-attend ng private screening ng kanyang most challenging movie na Kara Krus. Dual role kasi ang kanyang ginampanan kung saan parehong extremes ang kanyang characters.

Ang isang character na ginampanan niya ay sweet at tahimik at ang isa naman ay wild at agresibo.

Sa totoo lang, saan siya mas nakaka-relate sa tunay niyang ugali?

“Nakaka-relate ako sa parehong character kasi sweet naman talaga ako. Pero may pagka-wild din ako kapag gabi,” seryosong pabiro na tugon ni Denise.

Ngunit umapela naman anv matabi niyang direktor na si GB Sampedro dahil sweet daw si Denise at hindi wild sa tunay na buhay.

Anyway, unti-unti ay sumisikat na rin si Denise at kino-consider na rin na isa sa mga Vivamax A-listers tulad nina AJ Rav at Angeli Khang.

Teka, may competition ba na nagaganap sa mga sexy sirens ng Vivamax?

“Para sa akin walang laban na nagaganap sa Viva sexy stars kasi pareho naman kaming mga baguhan. Never po namin naiisip na may competition ang pag-aartista namin and natutuwa kami sa achievements ng bawat isa,” pa-humble pa niyang sabi.

Sa pelikulang Kara Krus ay aminado rin si Denise na nahirapan siya sa love scenes dahil sa dami ng posisyon sa sex na pinagawa sa kanya. Hala!

Kasama rin sa movie na Kara Kris sina Adrian Alandy, Ali Asistio and Alona Navarro. Streaming na rin ang movie sa Vivamax. JP Ignacio