Denise, inilantad na ang anak!

Denise, inilantad na ang anak!

October 10, 2022 @ 11:26 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Sadyang malihim si Denise Laurel most especially tungkol sa pribado niyang buhay.

Aakalain n’yo bang labingdalawang taon na ang kanyang love child?

Which means that by doing the math, taong 2011 niya ito pinagbuntis.

‘Yun daw ‘yong time na nasa peak siya ng kanyang career.

At ang worry niya, baka makaapekto ang kanyang pregnant condition sa mga kontrata niya.

Balitang American-Italian ang ama ni Davian Alejandro.

Bale ba, natuklasan ni Denise na buntis siya nang hiwalay na sila ng ama ng bata.

In fairness to the father, binalikan siya nito nang malamang buntis siya, pero nagkahiwalay rin.

Good thing, while Denise was going through her pregnancy ay very supportive ang kanyang mga magulang.

Never siyang inabandona ng mga ito.

Until she gave birth to her son, Denise’s parents stood by her.

Hindi nga lang malinaw ang background ng former American-Italian boyfriend ng aktres.

Kung paanong walang ideya ang mga netizens kung may natatanggap bang financial support ang binatilyong anak niya from his father.

But how admirable of Denise na naitaguyod niya ang kanyang anak.

Woman empowerment, that is. Ronnie Carrasco III