Denise, na-scam ng publicist ng ex ni Maggie!

Denise, na-scam ng publicist ng ex ni Maggie!

November 17, 2022 @ 6:30 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Obserbasyon ng marami, para raw mga bata kung magbardagulan sa social media ang estranged couple na sina Maggie Wilson at Victor Consunji.

As the public knows, hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay.

Umabot pa nga ‘yon sa pagpapalayas kay Maggie sa tinitirhan nito.

Both of them have even accused each other of cheating.

But during their happier times, nakasuporta si Maggie kay Victor, even warning him na may kabulastugang ginagawa umano ang publisista ng DVDC na kumpanya ni Victor.

True enough, hindi nga nagkamali si Maggie sa kanyang sapantaha.

Kamakailan, dinakip ng pulisya ng Taguig si Lara Faith Johnson sa aktong tumatanggap ng marked money na nagkakahalaga ng P82,500 bilang kabayaran sa DCVC.

Si Johnson ang marketing at public relations head ng nasabing kumpanya.

In her Instagram, isiniwalat ni Maggie na pati pala si Denise Laurel ay nadenggoy ni Johnson.

Kuwento ni Denise, nagpapanggap umano si Johnson bilang publisista niya.

Ilang taon daw niyang tinulungan si Johnson pero wala itong nahita, bagkus ay ginawa nitong stressful ang kanyang kalagayan.

Pagbibida naman ni Maggie, vindicated daw siya dahil napatunayan niyang sangkot sa mga katiwalian ang taong pinagkatiwalaan ni Victor. Ronnie Carrasco III