Dennis at Jen, may mansyon sa Las Vegas!

Dennis at Jen, may mansyon sa Las Vegas!

February 1, 2023 @ 5:30 PM 2 months ago


Nevada, USA – Panay ang invest ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Nauna nilang ipundar ang kanilang rest house sa Tanay, Rizal overlooking Windmill Farm sa Pililia.

Pero tila wala nang kakabog pa sa napakalaking bahay nila sa Summerlin Residential Comnunity in Las Vegas, southern part of Nevada.

Overlooking Red Rock Canyon naman ito.

Noong January 22 pa naunang lumipad doon si Jennylyn kasama ang anak nila ni Dennis na si Baby Dylan.

Bale nitong katapusan ng January sumunod doon si Dennis dahil may interesadong umupa nito.

For now, ang occupant ng napakagarang bahay na ‘yon ay isa sa kambal na anak ni Becky Aguila, Jennylyn’s manager, na si Bianca.

‘Yun ang dahilan ng pagpunta ng mag-asawa roon habang hinihintay silang tawagin pauwi rito ng GMA to fulfill their TV assignments.

Sinasamantala ni Jen ang mahaba-habang bakasyon as she prepares para sa pagsisimula ng taping ng naudlot na teleserye nila ni Xian Lim, ang Love. Die. Repeat.

It will be recalled that noong time na ginagawa ‘yon ni Jennylyn ay nasa early stage ng pagbubuntis na siya.

Nagkaroon siya ng clotting, dahilan para isugod siya sa ospital.

On Dennis’ part naman, naka-stand by siya para sa Maria Clara at Ibarra as Simoun this time.

Back to their Las Vegas abode, balitang pinapa-off the record na lang ng kampo nina Jen at Dennis ang halaga nito.

Basta expensive! Ronnie Carrasco III