Dennis, binati ng happy b-day si Julia, dinedma!

Dennis, binati ng happy b-day si Julia, dinedma!

March 10, 2023 @ 5:30 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines- Maantig na kaya ang damdamin ni Julia Barretto matapos siyang batiin ng kanyang amang si Dennis Padilla sa Instagram?
Julia turns 26 this March 10.

Kalakip ng pagbati ni Dennis ay ang ipinost nilang larawan ni Julia noong baby pa ito.

Dennis wrote: “This picture in my wallet for 26 years and still counting. Hope to see you soon. I love you, anak!”

Maging ang ina ni Julia na si Marjorie posted her birthday greeting, taking note how pretty her daughter is.

Marjorie posted: “You look beautiful and very happy. And that makes mommy’s heart happy.”

Wala sa bansa ngayon ang aktres.

The last time we’ve heard about her ay nasa Paris, France sila ng nobyong si Gerald Anderson.

May nagkomento nga na based on their photos together ay nilalanggam ang magkasintahan sa ka-sweet-an.

Mula France, nakatakdang pumunta ng Denmark ang couple.

Wala pang tugon si Julia sa pagbati ng ama.

September last year nang ipahayag ni Julia na hindi pa raw niya kayang patawarin ang ama.

Malungkot namang ipinagdiwang ni Dennis ang kanyang kaarawan nitong February dahil asang-asa siyang makakasama ang kanyang mga anak.

Dennis sires Julia, Claudia and Leon with former partner Marjorie.

Nauna nang naglabas ng hinampo si Leon patungkol sa ama dahil sa pamamahiya nito sa kanilang magkakapatid sa social media.

Sinubukan naman ni Dennis na ipagtanggol ang sarili pero sa kasamaang palad ay hindi man lang natinag ang kanyang mga anak. Ronnie Carrasco III