Dennis, ibinida ang blended family!

Dennis, ibinida ang blended family!

January 23, 2023 @ 6:00 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na bago naging sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ay kanya-kanya na silang anak from their previous relationships.

Si Jennylyn ay may Alex Jazz na by Patrick Garcia.

Si Dennis ay meron na ring Calix Andreas, who’s now 15 years old, with Carlene Aguilar.

Si Alex ay nasa pangangalaga ni Jen while co- parenting naman sina Dennis at Carlene kay Calix.

At sa loob ng pagsasama nina Jen at Dennis ay nabiyayaan sila ng anak na si Baby Dylan who’s turning 1 year old this April.

Dahil puwede na itong iwan para alagaan ng nanny kung kaya’t balik-trabaho ang aktres as she resumed taping for GMA’s Love. Die. Repeat.

Kung matatandaan, nabalam ang taping nito nang magkaroon ng emergency situation si Jennylyn.

Kabaligtaran ito noong ipinanganak niya si Alex dahil she had to go back to work after two months.

Aminado ang Kapuso actress na hindi niya na-enjoy ang early stage ng motherhood.

Samantala, she and Dennis share their joy sa pagkakaroon ng blended family.

Para rin daw normal ang pagkakaroon nito as though sabay-sabay lumaki ang kanilang respective kids.

Proud si Dennis na may dalawang kuya si Baby Dylan na magsisilbing bodyguard at tagapagtanggol nito pag naaapi.

May kanya-kanya ring paraan ng pagdidisiplina sina Jen at Dennis sa kanilang mga anak.

With Jen, hindi raw siya palasigaw na ina. Bagkus she communicates with them like adults.

Ipinagmalaki pa ni Jen ang kanilang blended family kumpara sa iba na normal nga, dysfunctional naman. Ronnie Carrasco III