Dennis, may paratang kay Karen!

Dennis, may paratang kay Karen!

December 7, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Ipinaabot ng comedian na si Dennis Padilla ang pagkadismaya nito kay Karen Davila ilang buwan matapos ang pangako nito na hihingin ang panig niya patungkol sa mga binitiwang statement ni Julia Barretto.

“Shinowbiz din niya ako! Pero kung nagkaharap kami ni Karen Davila, ako, kaya kong tumingin nang diretso sa mata niya. Ang problema niya, siya ba, kaya niyang tumingin sa akin? Kahit Karen Davila ka, manliliit ka sa akin kapag nagkita kami dahil sasabihin ko sa kanya, ‘Journalist ka, eh. You have to weigh things. Eh, bakit ni-one side mo ako,'” saad ni Dennis.

Matatandang nitong Setyembre, matapos ang interview ni Karen kay Julia ay naglabas ng sunod-sunod na pahayag si Dennis dahil sa mali umano ang ilan sa alam ng anak niya.

Dahil dito ay nangako naman si Karen na kukunin din ang panig ng comedian na as of press writing ay hindi pa rin nangyayari.

Wala pa namang pahayag si Karen tungkol sa mga binitiwang salita ni Dennis para sa kanya.

Matutuloy kaya ang interview? Abangan! Paula Jonabelle Ignacio