Dennis, nag-reach out kay Marjorie, handa nang kausapin si Leon!

Dennis, nag-reach out kay Marjorie, handa nang kausapin si Leon!

December 1, 2022 @ 8:11 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Nakarating na sa kaalaman ni Dennis Padilla na bukas ang kanyang anak na si Leon sa pakikipag-ayos sa kanya.

Si Leon ang nag-iisang anak na lalaki ni Dennis sa dating asawang si Marjorie Barretto, the two others being Claudia and Julia.

Very much willing ngang gustong makipagdayalogo ni Dennis kay Leon.

In the comedian’s words, mag-usap daw sila nito nang man to man.

Inamin din ni Dennis that of his three children with Marjorie ay kay Claudia raw siya maraming pagkakautang.

Lagi raw kasing ang pangalan ni Julia ang madalas mabanggit.

Pero hindi raw ibig sabihin niyon, he loves Claudia less: “I don’t divide my love, I multiply.”

Same din daw goes for Dani, anak ni Marjorie sa dating karelasyong si Kier Legaspi.

Hindi raw itinuring ni Dennis na iba si Dani bagkus he treats her as his own.

Mas may pakiusap si Dennis kay Marjorie na sana’y pakinggan nito.

Dahil malalaki na’t may sariling pag-iisip na raw sina Julia, Claudia at Leon ay hindi na sila mapipilit makipag-ayos sa kanya.

But as far as Dennis is concerned, the least that Marjorie can do is to tell their kids na, “O, magkaayos na kayo ng tatay n’yo para tahimik na tayong lahat.”

Alam daw ni Dennis na masaya na si Marjorie sa kinalalagyan nito ngayon, pero mas madadagdagan daw ang kaligayahan nito kung magkakasundo na si Dennis at ang kanilang mga anak.

Dennis is pinning his hopes na bago sumapit ang Kapaskuhan ay maayos na siya at ng kanyang mga anak.

Ang tanong: will Dennis’ kids grant their father’s wish? Ronnie Carrasco III