Dennis, pinatahimik ng Viva!

Dennis, pinatahimik ng Viva!

September 25, 2022 @ 9:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Simple lang ang dahilan sa likod ng pananahimik na ngayon ni Dennis Padilla sa isyu nila ng anak na si Julia Barretto.

Same reason din kung bakit binura ni Dennis ang mga post niya bilang sagot kay Julia sa interview ni Karen Davila.

And speaking of whom, ang rason kung bakit tila malabo nang matuloy ang panayam ni Karen kay Dennis kahit ni-request pa nito.

Ayon kasi sa pinaksa ni Cristy Fermin sa Showbiz Now Na, umeksena na raw ang big boss ng Viva na si Vic del Rosario.

To begin with, si Dennis ay kontratado ng Viva and so is Julia.

Ang siste, kinausap daw ni Boss Vic ang manager ni Dennis na si June Rufino.

Ayon daw kay Boss Vic ay mabuting rendahan ni June ang kanyang alaga dahil tumitindi na raw ang isyu.

Palalim na raw ito nang palalim, bagay na hindi nakakatulong sa mga pangunahing taong sangkot.

Reportedly, June did just that.

Kinausap niya si Dennis na may kasama pang pagkastigo sa mga ginagawa nito sa anak.

Malinaw ang punto ng Viva producer, masagwa nga namang makitang nagbabangayan ang mga personalidad na kabilang sa isang kuwadra.

Hence ang pananahimik na nga ngayon ni Dennis.

At kung sino man daw ang magtatangkang kapanayamin ang komedyante ay dadaan muna ito sa manager niya para repasuhin ang mga tanong.

Klaro na. Ronnie Carrasco III