Dennis, sinagot ang hugot ni Julia, nanawagan kay Karen!

Dennis, sinagot ang hugot ni Julia, nanawagan kay Karen!

September 19, 2022 @ 8:37 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Dinumog na naman ng bashers si Julia Baretto matapos muling magsalita si Dennis Padilla tungkol sa issue nila ng anak.

Matatandaang sa latest vlog ni Karen Davila na pinamagatang Love, Family, Forgiveness, and Marriage ay binasag ni Julia ang katahimikan niya tungkol sa alitan nila ng amang si Dennis.

Hindi naman nagustuhan ng pangalawa ang mga naging sagot ng anak sa interview kaya naman nilabas nito ang saloobin niya through Instagram posts.

“Ako ang bumili ng townhouse. Gumawa lang waiver na hindi ko kukunin share ko para hatiin sa inyo.

“Sobrang tayog ng lipad, awat na mga anak.

“Ang buong bahay ko, ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo, Julia. Ano pang revenge ang gusto niyong gawin? Lahat ng blessings nasa inyo na. Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko, ano pa gusto niyo? Pati kay Gerald humingi ako ng apology. Ano pa?”

Ilan sa mga sagot ni Dennis sa mga binitiwang statement ni Julia sa vlog ni Karen.

Sa huli nanawagan ito kay Karen na interview-hin din siya just to be fair to all.

“Karen Davila, you need to interview me. Mali ang alam ni Julia,” said Dennis.

Karen responded with, “Good morning, Dennis. Just saw this. Text you back just now.”

Uminit na naman ang usapin tungkol sa mag-ama. Now, people are waiting for Dennis’ interview.

What will happen next? Hmmm. Paula Jonabelle Ignacio