DENR at USAID magtutulong para sa natural resources protection at clean water accessibility

DENR at USAID magtutulong para sa natural resources protection at clean water accessibility

May 30, 2021 @ 4:55 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Upang mapalakas ang biodiversity conservation ng bansa at water access at sanitarion services nagkaroon ng bagong kasunduan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at United States Agency International Development (USAID)

Malugod na tinanggap ni Secretary Roy A. Cimatu ang five-year partnership sa USAID para sa Sustainable Interventions for Biodiversity, Oceans and Landscapes (SIBOL) at ang Safe Water projects sa nilagdaang memorandums of understanding (MOUs) noong Huwebes, Mayo 27, 2021.

“Given the current pandemic, the DENR is committed more than ever to address the country’s environmental challenges. We can easily attain this goal if we have partners like USAID,” sabi ni Cimatu at idinagdag pa nito na ang international development agency ay isang “time-tested partner” para sa kapaligiran.

Ayon sa DENR ang SIBOL at ang Safe Water programs ay ilan lamang sa mga proyektong nakapaloob sa P7.25 billion (US$150 million) USAID-Philippines agreement para sa pinahusay na ecosystems and community resilience na nilagdaan ng National Economic and Development Authority (NEDA) at USAID noong Pebrero 2021.

Isa ang DENR sa implementing partners na mamamahala sa paghahatid ng resulta ng programa para makamit ang mga layunin nito habang ang USAID ang magbibigay ng technical assistance para sa SIBOL at Safe Water initiatives.

Ang SIBOL ay ang P1.1-billion project (US$22 million) na layuning mapabuti ang “natural resource governance, stimulate public and private sector investments in conservation, and reduce environmental crimes.”

Habang ang Safe Water initiative ay ang P870-million project (US$18.4 million) na layuning maragdagan ang “access” sa matatag na water supply at sanitation services, maisaayos ang sustainable management ng water resources at mapalakas ang governance at regulation ng water sector.

Ang DENR, sa pamamagitan ng Biodiversity Management Bureau at ng Forest Management Bureau at iba pang DENR field offices sa bansa kasama rin ang NEDA at National Water Resources Board, ang magpapatupad ng mga proyektong ito sa loob ng limang taon.

“Together, through these projects, we will advance our shared goals of environmental sustainability and improve the lives of Filipino communities,” saad ni Cimatu.

Kaugnay nito sa kanyang panig, sinabi ni Acting Mission Director of USAID Sean Callahan na: “The long history of the partnership between DENR and USAID has been fruitful and together we have achieved much in creating a more secure environment that sustains both ecological integrity and human development.”

Kinilala rin ni Cimatu ang mahalagang kontribusyon ng USAID sa kapaligiran ng bansa sa ginanap na seremonya noong nakalipas na Huwebes.

Sinabi nito na ang kahalagahan ng DENR-USAID partnership para sa pangangalaga ng natural forest sa pamamagitan ng B+WISER (Biodiversity and Watersheds Improved for Stronger Economy and Ecosystem Resilience) at Protect Wildlife projects.

“USAID, a consistent and effective ally of the DENR, has also supported us in creating sustainable models which guided us for the management of our ecosystems,” dagdag pa ni Cimatu.

Pinahalagahan din ni Cimatu ang “milestone partnership” sa pagitan ng DENR at USAID sa pamamagitan ng Lawin Forest and Biodiversity Protection System na nakatutulong na iangat ang pamamahala sa 90% ng mga gubat sa bansa na nakatulong naman sa mga Pilipino na umaasa sa kagubatan para sa kanilang kabuhayan. Santi Celario