DENR: ‘Dolomite beach’ kumpleto na; walang budget sa 2023

DENR: ‘Dolomite beach’ kumpleto na; walang budget sa 2023

October 11, 2022 @ 6:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Martes na kumpleto nang tabunan ng dolomite sands ang Manila Bay area.

Sa Senate hearing sa panukalang P23 bilyong budget ng DENR para sa 2023, sinabi ni Undersecretary Jonas Leones na walang nakalaang budget para sa “dolomite beach.”

“I am happy to say that we have already completed the dolomite area, the placing of the sand. There is no additional budget,” pahayag niya.

Matatandaang sinita ang beautification project sa Manila Bay gamit ang crushed dolomite mula sa environmentalists at fisherfolk.

Sinabi ng Greenpeace Southeast Asia na ang pagtabon ng white sand ay hindi solusyon sa polusyon sa lugar.

Tinawag naman ng fisherfolk group alliance na PAMALAKAYA ang proyekto na “artificial rehabilitation” na tumutok sa aesthetics sa halip an tugunan ang environmental degradation problems ng Manila Bay.

Inihayag naman  ng ocean conservation organization Oceana Philippines ang pagkaalarma na ang white sand ay hindi ang natural substance na nababagay para sa bay. Bukod sa pagsira sa natural ecosystem sa Manila Bay, inihayag nito na pwede rin mapinsala ang kapaligiran ng pinagkukunan ng white sand. RNT/SA