DENR-EMB umaasa sa 100% approval ng solid waste management plans sa bansa ngayong 2023

DENR-EMB umaasa sa 100% approval ng solid waste management plans sa bansa ngayong 2023

February 16, 2023 @ 7:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tiniyak na masosolusyunan na ang problema sa basura ito’y dahil umaasa ang Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maaaprubahan ang mga nalalabing 10-year solid waste management plans (SWMPs) ng mga lungsod at munisipalidad sa buong bansa ngayong taon katulad ng nakasaad sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Sa kasalukuyan, iniulat ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) na pinamumunuan ng DENR na sa kabuuang 1,592 LGUs, umabot na sa 1,147 sa mga ito ang naaprubahan ang SWMPs.

Ayon sa press release ng DENR makakamit ang 100 percent na target, at nanawagan ang EMB sa natitirang 445 LGUs na hindi pa nagsusumite at naaaprubahan ang SWMPs na gumawa ng maagap na aksiyon upang mabuo ang kanilang plano at ipa-apruba na ito sa NSWMC.

Kaugnay nito hinimok din ng EMB ang mga gobernador at alkalde ng mga probinsiya, lungsod at munisipalidad na hindi pa naaaprubahan ang SWMPs na gumawa ng mabilisang aksiyon para sa pagsusumite ng mga plano ng LGUs na nangangailangan ng technical support.

Kasabay ng pagdiriwang ng bansa ng National Zero Waste Month noong Enero, ang EMB kasama ang Department of the Interior and Local Government at ang EMB regional offices ay nagsagawa ng dalawang araw na virtual meeting na nagsilbing ā€˜platform’ ng LGUs upang maihain ang kanilang mga problema sa paghahanda ng kanilang mga plano.

Magugunitang ginanap noong Enero 10-11, ang virtual meeting ay dinaluhan ng mahigit sa 300 kalahok mula sa LGUs ng tatlong rehiyon. Naging daan ito para sa konsultasyon at pag follow-up din at kahilingan kaugnay sa kani-kanilang SWMPs.

Matapos ang dalawang araw na pagpupulong, umaasa ang EMB na maaaprubahan ang lahat ng SWMPs ng mga LGU bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ayon sa RA 9003, ang bawat LGU ay inaatasang magkaroon ng 10-year SWMP. Base pa sa batas ā€œthe province, city or municipality, through its local solid waste management boards, shall prepare its respective 10-year solid waste management plans consistent with the national solid waste management framework.ā€

Kinakailangan sa naturang plano na nakalagay ang ā€œprimary emphasis on implementation of all feasible reuse, recycling, and composting programs while identifying the amount of landfill and transformation capacity that will be needed for solid waste which cannot be reused, recycled, or composted.ā€ Santi Celario