DENR, gagamit ng makabagong teknolohiya para protektahan ang kalikasan

DENR, gagamit ng makabagong teknolohiya para protektahan ang kalikasan

July 23, 2018 @ 3:39 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gagamitin nito ang makabagong teknolohiya upang matiyak na istriktong maipapatupad ang environmental laws at mga regulasyon nito para protektahan ang kalikasan.

Ayon kay Environment Secrertary Roy A. Cimatu ang paggamit ng mga state-of-the-art technology sa pagpapatupad ng environmental law ay malaking maitutulong para sa kapabilidad ng DENR field office para mabantayan ang mga illegal activities gaya ng illegal logging, illicit wildlife trade at iresponsableng pagmimina.

“We can only sustain the management of our country’s natural resources if we strictly enforce environmental laws, and we need all the help we can get in this.Technology will empower our implementers in enforcing these laws,”  ani pa ni Cimatu.

Sa isang press release kanina Hulyo 23, 2018 (Lunes) inihalimbawa ni Cimatu ang kaso ng Boracay kung saan ang DENR ay gumamit ng ground penetrating raders (GPRs) upang madiskubre ang mga illegal pipes na nakabaon sa kahabaan ng isla ng Boracay na kilalang white sand beach.

Nabatid pa kay Cimatu, ang mga ibinaon na illegal pipes na sumira sa hindi nasasalang wastewater na nagpapadagdag sa high coliform level sa tubig ng Boracay na isa sa dahilan kung bakit isinara ang isla sa mga torista sa loob ng anim (6) na buwan simula noong Abril 26, ng kasalukuyan taon para bigyang daan ang rehabilitasyon sa isla ng Boracay.

Ayon pa sa DENR simula ng eksaminin ang tubig sa Boracay at ang kalidad nito sa iba’t ibang monitoring station na matatagpuan sa mga strategic points sa kahabaan ng coastline ay makikita ang polusyon sa katubigan ng isla ng Boracay.

Kaugnay nito sinabi pa ni Cimatu na sa kasalukuyan ang DENR ay gumagamit ng Lawin Forest and Biodiversity Protection System upang i-monitore ang naturang lugar na kinabibilangan ng Enhanced National Greening Program o E-NGP, isang flagship reforestation program ng gobyerno upang magtanim ng 138 million seedlings sa may mahigit 140,000 hectares sa ating naghihingalong kagubatan ngayong taong.

“Aside from preserving grown trees, we do not want the fruits of the E-NGP to go to waste as this program is one of our main strategies in mitigating climate change and helping communities adapt to its adverse impacts,” diin pa ni Cimatu .

Ayon pa kay Cimatu ang DENR ay may planong gumamit ng makabagong teknolohiya upang makatulong sa pagpapaunlad ng pagbabantay sa iba pang lugar gaya ng wetlands, mga baybayin at iba pang protected areas na sumasailalim sa rehabilitasyon o development. (santi celario)