DENR, GIZ, NGO nangako sa pagpapalakas ng PH land sector framework

DENR, GIZ, NGO nangako sa pagpapalakas ng PH land sector framework

February 20, 2023 @ 7:43 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Para sa episyente at epektibong pamamahala ng lupa sa bansa ay pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources-Land Management Bureau (DENR-LMB) at dalawang development organizations ang pangako ng land sector stakeholders na suportahan ang adapsiyon ng inayos na Land Sector Development Framework and Roadmap (LSDF) 2019-2040.

Kasama ang Asian NGO Coalition for Agrarian Reform and Rural Development (ANGOC) at ang German Agency for International Cooperation (GIZ), matagumpay na nailunsad ng DENR-LMB ang mga pangakong suporta sa ginanap na National Governance Summit sa Quezon City noong Enero.

Sa press statement sinabi ng DENR na dumalo sa summit ang mga mambabatas mula sa Senado at House of Representatives, national government agencies na may kinalaman sa land administration at management, at iba pang organisasyon.

Kaugnay nito ang pinalakas na LSDF na pinangungunahan ng Foundation for Economic Freedom (FEF) at sinusuportahan ng DENR at GIZ ay isang long-term strategic roadmap para sa land sector na makapagbibigay ng relevant, responsive, holistic at progressive approach sa land administration, land information systems and management, land governance, land valuation at market development.

Samantala sa kanyang keynote speech, binigyang-diin ni Undersecretary for Legal and Administration Ernesto D. Adobo, Jr. ang kahalagahan ng “timely, evidence-based, and equitable policies and technology-driven” sa land governance sa gitna ng lumalaking populasyon at negatibong epekto ng climate change.

“Today, we will be looking at the improved LSDF with renewed excitement, as consultation and inputs from broader land agencies, local governments, the private sector and civil society groups have been incorporated, and its vision aligned with Ambisyon 2040,” saad ni Adobo na tumutukoy sa framework na nagtatatag ng national development goals at strategies sa susunod na 20 taon.

Nabatid pa na naka-angkla sa dating bersiyon ng LSDF 2010-2030, key land developments and policies, and rapid urbanization trends, ang pinalakas na LSDF ay magisisilbing pundasyon upang makabuo ng integrated policies para sa land administration at management reforms at matukoy ang key areas ng interbensiyon at problema na kailangang bigyan ng solusyon.

Pinondohan sa ilalim ng GIZ’s Responsible Land Governance in Mindanao project, ang framework ay dumaan sa mahigpit na konsultasyon mula sa government, non-government groups, academe, professional organizations, at communities upang makagawa ng evidence-based at inclusive framework.

Ang mga mambabatas at government officials na nagpahayag ng kanilang suporta ay sina La Union 1st District Rep. at House Committee on Agrarian Reform vice-chairperson Francisco Paolo Ortega, Senator Ana Theresia Navarro Hontiveros-Baraquel, Senator Raffy T. Tulfo at Department of Finance-Bureau of Local Government Finance OIC Executive Director Ma. Pamela Quizon. Santi Celario