DENR inatasan ni PBBM, oil spill cleanup pabilisin pa

DENR inatasan ni PBBM, oil spill cleanup pabilisin pa

March 9, 2023 @ 9:49 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang
Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pabilisin pa ang oil spill clean-up sa mga apektadong lugar sa Oriental Mindoro.

Ang pahayag na ito ay inilabas ng Presidential Communications Office (PCO) kasunod ng pagpupulong sa Malacañang nitong Miyerkules, Marso 8.

Ayon sa PCO, bilang tugon sa direktiba ng Pangulo ay tumitingin na ang DENR ng posibilidad ng pakikipag-ugnayan sa mga partisipante ng Balikatan exercises para sa cleanup drives sa mga dalampasigan na apektado ng oil spill dahil sa lumubog na motor tanker sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28.

Sinabi ni DENR Secretary Antonia Loyzaga na makikipagtulungan din ang ahensya sa United States (US) Embassy para sa posibilidad na ito.

Ang Balikatan ay taunang ginagawang bilateral exercise ng Armed Forces of the Philippines at United States Armed Forces.

Maliban dito, nagpahayag na rin ani Loyzaga, nang interes ang Japan at South Korea na tumulong sa recovery efforts sa oil spill.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DENR sa mga local government units (LGUs), vessel owner, at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa cash-for-work program ng mga apektadong residente. RNT/JGC