DENR isinama ang kabataan sa solid waste management activities

DENR isinama ang kabataan sa solid waste management activities

October 16, 2021 @ 5:09 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Upang maituwid ang ugali ng publiko particular na ang mga kabataan inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong Biyernes ang nationwide Solid Waste Management Advocacy Campaign sa pangangalaga sa kapaligiran at tamang pangangasiwa at pagtatapon ng basura.

Sa press release ayon sa DENR sa pamamagitan ng DENR Strategic Communication and Initiatives Service (SCIS), ang kampanyang ito ay ginawa upang mapabilis ang pagkakaroon ng malusog, luntian at malinis na Pilipinas sa gitna ng mga banta sa kalikasan sa bansa at sa buong mundo.

“Creating a better and healthier environment through efficient solid waste management is one of the biggest challenges that we, at the DENR, are faced today,” saad ni Secretary Roy A. Cimatu sa paglulunsad ng kampanya noong Oktubre 15 sa DENR Central Office.

“We really need the support of the people, especially our youth sector. It is important, therefore, to impress to them that unless we do something right today by diligently practicing sound solid waste management, the future will be bleak,” dagdag nito.

Upang mapalaganap ang kamalayan at mahikayat ang publiko na suportahan ang kampanya, palalakasin ng DENR ang pakikiisa at pakikipagtulungan, teknolohiya at maging ang information, education at communication campaign.

“While this program is intended to be a whole-of-nation approach, we designed this to be more focused on the youth who would later serve as our environmental champions,” sabi naman ni Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units (LGUs) Concerns at SCIS Supervising Undersecretary Benny D. Antiporda.

Kaugnay nito kabilang sa DENR solid waste management campaign ay ang Basura Buster, isang free, web-based game application para sa mga batang may edad na 5 hanggang 8 taon.

Ang application na ito na pwedeng ma-download sa Android devices sa pamamagitan ng Google Play Store. Ang manlalaro na maaaring makapag-ipon ng puntos sa pamamagitan ng paghihiwalay ng iba’t-ibang uri ng basura sa paraan ng “educational at entertaining.”

Sa pamamagitan naman ng social media accounts, umaasa ang DENR na maimpluwensiyahan ang “behavioral change” sa pamamagitan ng mga videos ukol sa tamang pangangasiwa at pagtatapon ng basura sa pang-araw-araw na sitwasyon.

Kabilang na dito ang paghihiwalay ng basura, pagdadala ng sariling eating utensils sa restaurants, at pagbebenta ng basura o ang tinatawag na “Pera sa Basura.”

Samantala ang SWM Advocacy campaign ay inilunsad sa pamamagitan ng “blended platform” kasama ang mga opisyal at empleyado ng DENR Central Office, regional at field offices, Provincial Environment and Natural Resources Offices, Community Environment and Natural Resources Offices, bureaus at attached agencies. Santi Celario