DENR leadership transition team kasado na

DENR leadership transition team kasado na

June 2, 2022 @ 9:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Upang maisakatuparan na maililipat ang programa para protektahan ang kalikasan tiniyak ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Acting Secretary Jim O. Sampulna na magkakaroon ng maayos na turnover ng mga programa at proyekto ng ahensiya para sa susunod na administrasyon bago pa man makapagtalaga ng bagong DENR chief.

Kaugnay nito upang maisakatuparan ang kanyang pangako ay bumuo na ng transition team si Sampulna na pinamumunuan ng DENR undersecretary upang matiyak na magkakaroon ng preparasyon para sa pagpapasa ng mga responsibilidad.

“We are ready. The documents have been prepared and will be presented to the next DENR Secretary,” aniya.

Ayon kay Sampulna, ang hakbang na ito ay base na rin sa bilin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang cabinet officials na gawin ito ng tama.

“By doing it right, he means you won’t make excuses and you will not do any nonsensical actions. Because I have a good President, I will leave DENR in good governance,” saad pa nito.

Kabilang sa mga malalaking programa ng DENR na ipapasa sa susunod na DENR chief ay ang Boracay Rehabilitation at Manila Bay Rehabilitation.

Samantala noong 2018 nang ipag-utos ni Pangulong Duterte ang rehabilitasyon ng Boracay Island dala ng mga alalahanin na ang tanyag nitong beaches at kulay asul na tubig ay nagmistulang dagat ng basura dahil na rin sa naging environmental damage.

Ang matagumpay na rehabilitasyon sa Boracay ang naging modelo para naman sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ang Manila Bay Rehabilitation Program na binansagan ding “Battle for Manila Bay” ay sinimulan noong Enero 27, 2019 bilang pagsunod sa Writ of Continuing Mandamus ng Supreme Court na nag-aatas sa 13 ahensiya ng gobyerno na i-clean up, rehabilitate at preserve ang Manila Bay, at ibalik at panatilihin ang tubig nito sa SB level na angkop para sa swimming, skin diving at iba pang contact recreation.

Bilang bahagi ng rehabilitation program ng makasaysayang baybayin ay naglagay ng solar-powered sewage treatment plant (STP) sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Manila noong Hulyo 30, 2020. Santi Celario