DENR-LMB pinarangalang top performing agency sa FOI Awards 

DENR-LMB pinarangalang top performing agency sa FOI Awards 

January 18, 2021 @ 7:00 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa ikalawang pagkakataon muling kinilala ang Department of Environment and Natural Resources Land Management Bureau (DENR-LMB) bilang “Top Requested and Performing Agencies” sa eFOI (Freedom of Information) portal para sa taong 2020.

Ipinagkaloob ito ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pamamagitan ng isang virtual ceremony.

Ayon sa DENR, kilala sa pagtataguyod ng freedom of information, nakamit ng LMB ang pagkilala dahil sa taas ng grado nito sa pagsagot sa mga hiling na impormasyon ng publiko.

“I’d like to commend the LMB for exercising information transparency and responsibility amidst the challenges brought by the COVID-19 pandemic.  Your commitment in the service is truly admirable.  Let us continue this success for 2021,” ani DENR Secretary Roy A. Cimatu.

Nabatid pa sa DENR ang LMB ay matagumpay na nakapagproseso ng 90% ng information requests bagama’t may ipinatutupad na quarantine, sa pamamagitan ng inisyatibo na maglagay ng FOI Desk sa Public Assistance Section (PAS) sa ilalim ng Records and Knowledge Management Division (RKMD) upang sagutin ang lahat ng katanungan at kahilingan tungkol sa lupa.

“We are honored to be recognized again as one of the ‘Top Requested and Performing Agencies’ for this year. This motivates us to continue working and providing Filipinos with access to information particularly on land matters. We thank the PCOO for recognizing our efforts on FOI,” saad ni LMB Director Atty. Emelyne V. Talabis.

Ang FOI Awards ay taunang ginaganap na layuning mabigyan ng pagkilala ang mga natatanging kontribusyon ng government offices sa executive branch kabilang na ang government-owned and controlled corporations (GOCCs), state universities and colleges (SUCs) at local water districts (LWDs), para na rin mabigyan ng pag-unlad ang FOI program ng PCOO.

Sa taong 2020, ang FOI Awards ay may temang “Committed, Responsive and Revolutionary” nagsusulong na: Commit—that government institutions shall continue to uphold the people’s right to access information and initiate important discourses in bridging current policy and implementation gaps; Respond—that government institutions shall pursue to make critical and informed decisions based on timely, credible, and verified information and take on an active role in addressing disinformation; and, Revolutionize— that government institutions shall seek and adopt innovative methods in building and reconstructing better systems and approaches which facilitate the effective disclosure of information all amidst the COVID-19 pandemic.

Ang FOI program ay ipinatutupad batay sa Executive Order (EO) No. 2 series of 2016 na nagpapasagawa sa Executive branch ng karapatan ng publiko na makakuha ng impormasyon at mailahad ng buo at magkaroon ng transparency sa pagbibigay ng serbisyo publiko.  (Santi Celario)


  •  
  •  
  •