DENR nagbabala sa posibleng pagsasara ng Mt. Apo



DENR nagbabala sa posibleng pagsasara ng Mt. Apo

February 23, 2021 @ 8:37 AM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Davao region sa posibleng pagsasara ng Mt. Apo dahil sa mga pasaway na hikers.

Nag-ugat ito ng mapag-alaman ng DENR officials  na talamak ang littering at vandalism sa trail, campsite, at kapaligiran nito.

Marami ring paglabag ang napag-alaman kasama na ang hindi pagsunod sa social distancing, unregulated noise sa trails at camps, at nakaaaalarmang cultivation sa strict protection zone.

Ipinag-utos naman na ni DENR XI Regional Director Bagani Evasco na paigtingin ang pagpapatupad ng environmental laws.

“If left unabated, the closure of Mt. Apo might be possible in the coming days, when necessary, in order to pave the way for the immediate rehabilitation of the Natural Park’s Trails and Campsites.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •