DENR nakapagpasara ng dumpsites sa 2021; Ecological Solid Waste Management Act of 200 epektibo

DENR nakapagpasara ng dumpsites sa 2021; Ecological Solid Waste Management Act of 200 epektibo

December 15, 2021 @ 3:38 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Para protektahan ang kalikasan, nababanaag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu ang panimula ng panibagong era ng “environmental consciousness” sa mga Filipino dahil sa pagpapasara ng lahat ng dumpsites sa bansa ngayong taon dahil na rin sa epektibong implementasyon ng Republic Act (RA) 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

“This accomplishment mirrors the successful implementation of our Solid Waste Management Program, one of DENR’s 10 priority programs for intensified environmental protection. It signifies that we are headed in the direction of behavior change,” saad ni Cimatu patungkol sa pagpapasara ng 335 open dumpsites nitong 2021.

Kaugnay nito  simula noong 2017, ang pagpapasara sa mga dumpsite ay bahagi ng adhikain ni Cimatu sa solid waste management program ng bansa.

Ayon sa DENR ito ay nagpapakita ng “political will” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng kanyang administrasyon kung saan matapos ang dalawampung taon nang mailabas ang RA 9003 noong 2001 ay ngayon lamang naipasara ang mga ito.

Samantala naniniwala din ang DENR chief na dahil dito ay mahihikayat ang mga Filipino na baguhin ang kanilang pag-uugali tungkol sa tamang solid waste management.

Kaugnay nito, sinabi ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny D. Antiporda na nagsisilbi ring alternate chair ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC), na naipasa na rin ng komisyon ang Resolution No. 1428 series of 2021 na nagdedeklara sa Plastic Straw at Plastic Coffee Stirrer bilang Non-Environmentally Acceptable Product o NEAP.

“Matagal na pong isinaad sa batas ng RA 9003 ang tungkol sa NEAP. Mabuti na lang po at nailabas natin ang resolution kaugnay rito,” saad ni Antiporda.

“This year, it becomes more challenging to implement the said law because sanitary landfills, materials recovery facilities, and transfer stations all became critical. Packaging materials such as plastic wrappers to ensure the safety and protection of some products, and healthcare wastes from medical facilities, have been piling up in these facilities,” dagdag nito.

Dahil dito, pinuri ni Antiporda ang Environmental Management Bureau (EMB) dahil sa kanilang walang pagod na pagpupunyagi upang maipasa ang dalawang resolusyon na ito. (Santi Celario)