DENR nakapagtala ng 100% rating sa energy efficiency audit ng DOE

DENR nakapagtala ng 100% rating sa energy efficiency audit ng DOE

May 25, 2022 @ 6:49 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Central Office ng 100 percent rating, ang pinakamataas na score at performance grade mula sa Department of Energy’s (DOE) audit results para sa mandatory implementation ng Energy Efficiency Conservation Program para sa national government agencies noong April 22, 2022.

Ayon kay DENR Acting Secretary Jim O. Sampulna, ang tagumpay na ito ay nagpapatunay na ang ahensiya “continues to walk the talk in keeping up with the mandate of the department to mobilize our citizenry in protecting, conserving, and managing the environment and natural resources for the present and future generations.”

“Electricity consumption is one of the means by which the people can save electricity and reduce carbon footprint. It is, therefore, essential to show that the DENR has achieved this milestone to inspire Filipinos in doing the same,” saad ni Sampulna.

Ang Energy Efficiency Conservation Program ng DOE ay kasama sa: “collective strategy, which includes energy conservation to ensure sufficient supply of petroleum products amid the uncertainty brought about by the Russian-Ukraine conflict.”

Sa press release batay sa Energy Efficiency and Conservation (EEC) checklist, naabot ng DENR CO ang lahat ng criteria kabilang na dito ang institutionalization of EEC, fuel-saving measures, at electricity-saving measures, sa ginawang random spot checks ng DOE.

Kaugnay nito ayon kay Administrative Service Director Rolando Castro, makikita ang energy efficient measures ng Central Office sa International Organization for Standardization o ISO re-certification nito noong nakalipas na Marso 2, 2022 para sa ISO 14001:2015 o Environment Management System o EMS. Santi Celario