DENR nakiisa sa SoKor, Germany sa pagpapalakas ng PH marine litter management, peatland protection

DENR nakiisa sa SoKor, Germany sa pagpapalakas ng PH marine litter management, peatland protection

July 1, 2022 @ 5:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Upang protektahan ang kapaligiran nakiisa ang Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglagda sa mga partnership sa Republic of Korea at Germany upang ipagpatuloy ang development projects sa marine litter management at peatlands conservation, ayon sa pagkakasunod.

Sa press release ayon sa DENR ang Enhancement of Marine Litter Management in Manila Bay (EMLM) Project at ang Ensuring Sustainable Benefits from Peatlands through Protection and Wise Use (ESBenePeat) Project ay pormal na inilunsad noong Hunyo 22 kasunod ng presentasyon ng EMLM’s pre-signed Record of Discussions (ROD) at Grant Agreement (GA) para sa ESBenePeat.

“Please be assured that the DENR will value and remain committed to the agreement that it has earlier entered into with your respective organizations during my incumbency,” saad ni dating DENR Acting Secretary Jim O. Sampulna.

“These joint initiatives will certainly help in the attainment of our country’s goals and international commitment on climate change,” dagdag nito.

Kaugnay nito ang ROD at GA ay nagsisilbing legal implementation instrument ng EMLM at ng ESBenePEat, ayon sa pagkakasunod.

Nabatid na maglalaan ang Republic of Korea ng US$7.7-million grant para sa implementasyon ng marine litter management sa paligid ng Manila Bay area.

Ang implementasyon nito ay gagawin ng DENR at Korea International Cooperation Agency (KOICA) sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard.

Samantala kaugnay nito ayon kay KOICA Assistant Country Director CHOI Misun, ang EMLM ay “marks the start of the Korean and Philippine governments’ partnership in the prevention, reduction and management of marine litter.” Binanggit nito na ayon sa international studies, galing sa Pilipinas ang may 800,000 metric tons ng plastic marine pollution kada taon.

Aniya, makatutulong ang proyektong ito upang mapigilang mapunta ang plastic waste mula sa coastal areas malapit sa Manila Bay patungo sa karagatan.

Ang EMLM ay isang multi-year assistance na gagawin hanggang 2025 kung saan ay maglalagay ng marine litter monitoring system at palalakasin ang kapasidad ng gobyerno na tugunan ang marine litter management, dagdag pa ang pagtayo ng US$5.7-million marine clean up vessel na kukunin sa “grant.”

Dahil din dito, nabigyan ng ‘go signal’ ang implementasyon ng ESBenePeat na mayroong €713,53723-grant mula sa European Union at sa Federal Republic of Germany sa pamamagitan ng German International Agency for Cooperation (GIZ).

Ipinaliwanag ni DENR-Biodiversity Management Bureau (BMB) Director Natividad Y. Bernardino na ang peatlands ng bansa ay tinatayang may 20,000 hectares ay may “remarkably higher carbon sequestration potential than any other studied forest types in the country as carbon sinks when left undisturbed.” Santi Celario