DENR nakikita ang pagbuti ng water quality sa Manila Bay sa pagtatayo ng Libertad STP

DENR nakikita ang pagbuti ng water quality sa Manila Bay sa pagtatayo ng Libertad STP

July 28, 2021 @ 6:28 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Upang mapabuti ang water quality sa Manila Bay umaasa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang pagtatayo ng Libertad sewage treatment plants (STP) at wastewater interceptor ay magpapabuti sa water quality ng baybayin.

“The current fecal coliform level in Libertad Outfall 1 is at 160 million MPN (most probable number) per 100 ml (milliliters). But with the groundbreaking of yet another STP coupled with wastewater interceptor in partnership with MMDA (Metropolitan Manila Development Authority), we will be able to boost our capability to mitigate water pollution,” pahayag ni Cimatu sa ginanap na groundbreaking ceremony sa pagtatayo ng Libertad STP at wastewater interceptor sa Pasay City kamakailan.

Sa press release ipinaliwanag pa nito na layunin ng Libertad STP na linisin ang wastewater na nanggagaling sa Tripa de Gallina na tinukoy na siyang “main polluter” at nagdidiskarga ng wastewater sa Libertad Channel patungo sa Manila Bay.

Sinabi pa ni Cimatu na ang mga proyekto tulad ng pagtatayo ng Libertad STP at wastewater interceptor ay bahagi ng pagsunod sa 2008 Supreme Court writ of continuing mandamus upang ma “cleanup, rehabilitate at preserve Manila Bay.”

Ayon naman kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ang pagtatayo ng bagong STP ay makatutulong upang matugunan ang isyu ng mabahong amoy at maibalik ang maayos na kalidad ng tubig sa Metro Manila.

Kaugnay nito sinabi ng DENR ang Libertad STP ay kayang magsala ng 10 million liters ng wastewater kada isang araw at mayroon itong catchment area na 779 hectares. Ito rin ang ikalawang STP sa pakikipagtulungan ng MMDA. Ang una ay ang gumagana nang solar-powered STP na matatagpuan sa Roxas Boulevard sa Manila na binuksan noong isang taon.

Ang DENR ang magpoponda sa pagpapatayo ng STP habang ang MMDA naman ang tututok sa maintenance at operation ng treatment plant.

Inaasahang matatapos ang pagtatayo ng STP at wastewater interceptor sa Nobyembre 2021.

Sinabi pa ni Cimatu na plano ng DENR na gamitin ang “treated wastewater” sa pagdidilig ng mga halaman at para na rin sa mga truck ng bumbero sa Pasay City.

Binigyang-diin pa nito na hindi susuko ang gobyerno para sa rehabilitasyon ng Manila Bay habang plano rin ng DENR na magsagawa ng cleanup sa bahagi ng Manila Bay sa Navotas City.

“There’s still a lot of work to be done along the Navotas Fish Port. This is my target towards the end of the year. If not, I still have six months,” saad ni Cimatu na pinamumunuan din ng Manila Bay Task Force.

Ayon pa dito, nagsasagawa na rin ng cleanup sa mga probinsiya ng Cavite, Bataan, Bulacan at Pampanga upang mabigyan ng solusyon ang problema sa polusyon sa Manila Bay.

“I believe that a multi-sectoral and participatory approach would yield more palpable results toward minimizing pollution and protecting the water bodies that empty into Manila Bay,” sabi ni Cimatu.  Santi Celario


  •  
  •  
  •