DENR-NCR nanguna sa pagtatanim ng 2,700 puno sa La Mesa Watershed

DENR-NCR nanguna sa pagtatanim ng 2,700 puno sa La Mesa Watershed

July 7, 2022 @ 8:34 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinanganuhan ng Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region (DENR-NCR) ang 400 volunteers mula sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno at non-government organizations (NGOs) sa sabay-sabay na tree-planting activity sa La Mesa Watershed Reservation (LMWR) sa Quezon City bilang bahagi ng selebrasyon ng Philippine Arbor Day noong Hunyo 25.

Ayon kay DENR-NCR Executive Director Jacquline A. Caancan, ang taunang kaganapang ito ay nagsisilbing plataporma para sa “professionals from different sectors of society to meet and work closely together on environment-oriented undertakings.”

Sa press release sinabi ni Caancan binigyang halaga ng aktibidad ang kahalagahan ng “partnership” at “volunteerism” sa mga career professionals mula sa national government agencies kabilang na dito ang NGOs at private sectors sa pagpapatupad ng Proclamation No. 643 na nilagdaan noong 2004 na nagtatagda sa pag-oobserba sa Philippine Arbor Day tuwing Hunyo 25.

Ang proklamasyon na ito ay nagbibigay-diin sa pangangailangan na magdeklara ng isang araw kada taon para sa pagsasagawa ng tree planting activities upang isulong ang malusog na ecosystem para sa mga tao.

Sinabi ng DENR na ngayong taon, umabot sa 2,700 native tree seedlings ang naitanim sa tatlong lugar sa paligid ng La Mesa Watershed.

Ang mga volunteers na nakibahagi sa kaganapan ay mula sa Professional Regulation Commission (PRC), Civil Service Commission (CSC) Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Boy Scouts of the Philippines (BSP), Society of Filipino Foresters Incorporated (SFFI) at DENR-Association of Career Executives (DENR-ACE).

Sa 2,700 tree seedlings, 1,700 tree seedlings ang itinanim ng mga nag-boluntaryo mula sa PNP-Quezon City Police District at Philippine Air Force, 650 seedlings mula sa DENR-ACE at DENR workers mula sa Central Office at NCR office, 250 seedlings mula sa PRC-SFFI at 100 seedlings naman sa BSP.

Kabilang sa mga seedlings ay ang Narra (Pterocarpus indicus), Molave (Vitex parviflora), Bignay-kalabaw (Antidesma ciliatum C.Presl) at Malakalumpit (Terminalia calamansanai).

Samantala ayon naman kay DENR-NCR Forester Roel V. Galibu, ang taunang tree planting activity na ginawa ng ibang volunteers sa panahon ng planting season sa mga mga nakalipas na taon ay malaki ang naitulong sa pagsasaayos ng forest cover ng watershed na ngayon ay umabot na sa 1,400 ektarya.  Santi Celario