DENR-NWRB SINIGURO MAIWASAN ANG WATER CRISIS SA PANAHON NG TAG-INIT

DENR-NWRB SINIGURO MAIWASAN ANG WATER CRISIS SA PANAHON NG TAG-INIT

April 11, 2022 @ 12:55 PM 3 months ago


PATULOY  na binabantayan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa pamamagitan ng National Water Resources Board (NWRB) ang lebel ng tubig sa Angat Dam pati na rin ang operasyon nito sa gitna ng low-set water level ng dam.

 

Ayon kay Acting Environment Secretary Jim O. Sampulna ang mga miyembro ng NWRB Technical Working Group in the management of water supply ng Angat Dam ay mahigpit na binabantayan ang water elevation ng dam upang maiwasan ang isang water crisis lalo na sa panahon ng tag-tuyo o dry season.

 

“Through the NWRB, we have already laid down preventive measures such as cloud seeding so that the public, especially those in Metro Manila, is assured of a steady water supply with the ongoing COVID-19 pandemic,” ayon kay Sampulna.

 

Noong Abril 10, 2022, ang water elevation sa reservoir ay tumaas ng bahagya sa 195.22 meters mula sa pinakamababang elevation sa taon na 190.63 meters noong Abril 4, 2022.

 

Ang pagtaas ay dahil na rin sa shear line or tail-end of a cold front at low-pressure area sa rehiyon ng Mindanao.

 

Ang malawakang pag-ulan na naranasan sa malaking bahagi ng Luzon ay inaasahang magpapataas pa ng lebel ng tubig sa Angat Dam sanhi ng “inflows from runoff water.”

 

Ayon sa latest rainfall forecast at Angat Dam water level simulation, the pinakamababang lebel ng tubig sa dam ay aabot sa 183.98 meters sa Hunyo. Dahil dito, maaaring hindi aabot sa nakatakdang minimum operating water level na 180 meters.

 

Inaprubahan ng NWRB ang water allocation na 50 cubic meters per second (CMS) para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System mula Abril 1 hanggang 15, at limang CMS naman sa National Irrigation Administration mula Abril 1 hanggang 30.

 

Bagaman napabuti nang bahagya ng pagtaas water elevation ng kasalukuyan at inaasahang lebel ng dam, hindi pa rin nakatitiyak sa antas ng tubig nito.

 

Hinihimok ang publiko na patuloy na magtipid sa tubig sa mga kabahayan, opisina at negosyo. Maliban sa pagtitipid ng tubig mula sa gripo, maaari ding gawin ang water efficiency methods tulad ng rainwater collection at water recycling.