DENR rerebyuhin ang mga sinuspinde at isinarang mining

DENR rerebyuhin ang mga sinuspinde at isinarang mining

August 6, 2018 @ 6:41 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Rerebyuhin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang performance ng 26 na mining companies na inisyuhan nila ng suspension at cancellation order nitong nakalipas Pebrero 2017.

Ayon sa DENR, sa pinagtibay na report ng MICC Technical Review Teams kabilang sa mga ito sa mga mining companies (1) ang legal, (2) technical, (3) environmental, (4) social at (5) economic aspects kung saan susukatin nila ito sa grading  0-3 kung saan ang pinakamataas o acceptable ay 3.0.

Kasunod nito ay aalamin nila ang aksyon sa pagsasampa ng  Motion for Reconsideration (MR) ng 13 mining companies para sa suspension at cancellation orders na ipinataw sa kanila.

Sa press release sinabi ni DENR Secretary Roy A. Cimatu na gagamitin ng ahensiya ang komprehensibong report na ginawa ng MICC Review Teams para rebyuhin at ievaluate kung kailangan makapagpatuloy sa kanilang operasyon ang mga mining company.

“We will definitely use the comprehensive report made by the MICC Review Teams in evaluating whether or not a mining company should continue to operate.  However, I am inclined to put more premium on the environmental considerations in the mining operations.” ani pa ni Cimatu.

Ayon pa kay Cimatu na batay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) at sinabi na ang patuloy na paggamit ng natural resources, environmental protection ay hindi-negotiable at isa sa pangunahing prayoridad.

“Mining companies need to shape up. The Review specified major reforms needed, for example, on inadequate mine tailing pond and the very slow rehabilitation of the disturbed mined areas. The Review also pointed out unacceptable practices regarding stockpile areas, location of Tailings Storage Facilities (TSF) and dumping of toxic and hazardous waste.  They have to address all of these issues or they will be closed,” dagdag pa ni Cimatu.

Idiniin pa ni Cimatu na gumagawa ang DENR ng makabagong panahon ng mining sa bansa. At gaya ng sinabi ni Presidente Duterte na mas interesado siya sa aktuwal na benipisyo sa tao ng mining at hindi sa revenue na kikitain ng gobyerno sa mining industry.

“This is definitely a new era of doing mining in the country.  We are serious about reinventing mining in the Philippines.  As the President said he is more concerned of the actual benefits to the people not just the government revenues to be generated by the mining industry,” ayon sa kalihim. (Santi Celario)