DENR sa mga mambabatas: Mas mahigpit na parusa vs mananakit sa PH eagle ikasa

DENR sa mga mambabatas: Mas mahigpit na parusa vs mananakit sa PH eagle ikasa

January 24, 2022 @ 8:47 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga mambabatas na amyendahan ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001 para mapalakas pa ang pagprotekta sa Philippine Eagle na isa nang endangered species.

Ang panawagan na ni DENR Sec. Roy Cimatu para sa mas mahigpit pang parusa sa lalabag sa batas ay kasunod ng pagpapakawala ng kagawaran sa isang Philippine eagle na pinangalanang “Godod” sa munisipalidad sa Zamboanga del Norte na may kaparehong pangalan noong Enero 10.

Si Godod, na isang Philippine eagle (Pithecophaga jefferyi), ay nasagip matapos na ma-trap ng isang residente sa Barangay Bunawan, sa bayan ng Godod.

“Experts in Philippine eagle biology and ecology deem that the surge in rescues during this time means that culprits are intruding into the forests to hunt for food and as a source of livelihood, thereby causing a disturbance in the forest habitats,” ani Cimatu.

“We have to remain vigilant and let the perpetrators know that there are environmental laws they have to face if they continue with such evil deeds. Continuously confronted with such acts, we urge our lawmakers to help us protect the Philippine eagle and other wildlife species,” dagdag pa ng kalihim.

Si Godod ay pinakawalan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Liloy, Zamboanga del Norte matapos na alagaan at masuring malusog.

Bago naman pakawalan sa kagubatan, nilagyan ang agila ng global positioning system o GPS tracker.

Ang Philippine eagle ay idineklarangng ‘critically endangered species’ sa ilaim ng DENR Administrative Order 2019-09 o mas kilala bilang bagong National Lists of Threatened Philippine Fauna. RNT