DENR USEC BENNY, PATULOY ANG MALASAKIT KAHIT NAGKA-COVID

DENR USEC BENNY, PATULOY ANG MALASAKIT KAHIT NAGKA-COVID

April 8, 2021 @ 12:36 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

SADYANG nasa dugo na ni Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda ang tunay na pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.

Sa kabila ng iniindang karamdaman dala ng coronavirus disease 2019, nagawa pa nitong tumulong at magparaya para sa mga nangangailangan.

Sa kanyang post kamakailan lang sa kanyang Facebook account, sinabi niya na may nakalaan nang kwarto na maaaring ipagamit ang isang ospital para sa kanyang pagpapagaling.

At dahil nanaig pa rin ang pagiging public servant ni Usec. Benny, sa halip na gamitin ang impluwensya upang maging maayos ang gamutan, mas minabuti niyang magparaya na lang para sa ina ng isang kasamahan sa media na mayroong malubhang karamdaman.

Idol ka namin talaga, Boss, kaya hindi nakapagtataka kung bakit maraming nagmamahal sa’yo!

Kilala natin nang personal si Boss Benny kaya kabisado na natin ang kanyang damdamin at pag-uugali.

Sa matagal na panahon, hindi matatawaran ang kanyang mga naitulong sa publiko at pati na sa mga kasamahan at miyembro ng media.

Isang tao na may isang salita, may paninindigan at tapang.

Madaling lapitan at hingan ng tulong basta’t sambitin lang ang mga totohanang karaingan.

Naiirita paminsan-minsan ang ating bida dahil ayaw na ayaw niyang naaantala ang pagresolba sa mga problema lalo na kung may kaugnayan ito sa mga maralitang pinanghihinaan.

Kasalukuyan siyang nasa bahay habang lumalaban sa virus.

Bilang mga kaibigan, atin siyang sasamahan sa pamamagitan ng pagdarasal, upang mas lalo siyang lumakas at gumaling.

Palagian natin siyang uusisain at aalalayan upang matunaw sa katawan niya ang salot na nakahahawa.

Gawin din natin ito sa iba pang tulad ni Usec. Benny na binabaka ang virus at nangangailangan ng malaking suporta at pagmamahal.

At para sa’yo, Boss Benny, tanggapin mo ang aming pagmamahal at pagmamalasakit para sa iyong kagalingan.

Saludo kami sa’yo Boss. At dahil lagi ka naming kailangan, kaya… MABUHAY KA USEC. BENNY ANTIPORDA.

∞∞∞

Philippians 2:4 “Everyone should look out not only for his own interests but also for the interests of others. ”

∞∞∞

Para sa inyong mga komento, suhestyon, sumbong o tanong kung papaano maging isang safety officer, mag-text sa +639455238284 o mag-email sa [email protected]


  •  
  •  
  •