Dental technician patay; 1 pa sugatan sa pamamaril sa bar

Dental technician patay; 1 pa sugatan sa pamamaril sa bar

September 9, 2022 @ 4:34 PM 3 weeks ago


TABUK CITY, KALINGA- Hindi na umabot nang buhay ang isang dental technician habang sugatan naman ang isa pa matapos ang insidente ng pamamaril sa isang bar sa Brgy. San Juan, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang biktima na si Joegie Valera Cabicungan, 37 taong gulang, habang sugatan naman si Orland Dave Pascual alyas Sadam na parehong dental technicians at residente ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Una rito, nag-iinuman ang mga biktima sa bar nang nilapitan ang suspek ang lamesa ng mga biktima bago pinagbabaril ang dalawa ng ilang beses.

Nakatakas ang suspek kung kaya’t agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang kapulisan.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan kung ano ang motibo ng suspek sa pamamaril sa dalawang biktima. Rey Velasco