Department of Water, kailangan ng Pinas – Pernia

Department of Water, kailangan ng Pinas – Pernia

March 17, 2019 @ 3:25 PM 3 years ago


Manila, Water – Iginiit ni Socieconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ang kakulangan ng ahensiya ng gobyerno na tututok sa water-related activities, dahilan kung bakit nagkaroon ng krisis sa tubig.

“We should really have had instituted an apex body for water. We have so many agencies dealing with water and it’s very conflicting. And it’s not been effective and this is why we have a crisis now,” ani Pernia sa CNN Philippines noong Biyernes.

Ang Metro Manila at kalapit na probinsiya ng Cavite at Rizal ay sinusuplayan ng dalawang water concessionaires. Ang west zone ay hawak ng Maynilad habang ang east zone ay nasa ilalim naman ng Manila Water.

Ang dalawang water concessionaires ay pinamumunuan naman ng ahensiya ng gobyerno na Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Samantala, ang water-related activities ng buong bansa ay nasa ilalim naman ng National Water Resources Board.

Simula noong nakaraang linggo, ang ilang parte ng Metro Manila at Rizal ay nawalan ng tubig na lubhang nakaapekto hindi lang sa mga residente kundi pati na sa mga negosyo.

Dahil sa perwisyong dulot ng kakulangan ng suplay ng tubig sa mga lugar na hawak ng Manila Water, magsasagawa ng imbestigasyon sa Kamara bukas, ika-18 ng Marso, upang alamin kung bakit nagkaroon ng krisis at upang alamin kung paano ito mapigilang maulit pa.

Pero para kay Pernia, dapat lang magkaroon ng “Department of Water” gayong mayroon din namang Department of Energy.”

“We don’t have a Department of Water that would centralize all activities having to do with water resource, distribution, and supply so we don’t get into this kind of crisis,” ani Pernia./Remate News Team