DepEd: 17 pribadong paaralan sa W. Visayas permanenteng ikinandado

DepEd: 17 pribadong paaralan sa W. Visayas permanenteng ikinandado

August 28, 2022 @ 10:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Mahigit 70 pribadong paaralan sa Western Visayas ang nagsara sa pagbubukas ng panibagong school year nitong Linggo, batay sa datos na ipinalabas ng Department of Education (DepEd) regional office nitong Sabado.

Kabilang sa mga rason ng pagsasara ng mga paaralan ang mababang bilang ng enrollees at financial constraints, ayon sa mga awtoridad.

Sa 76 paaralan, 59 private schools ang pansamantalang isinara habang 17 ang permanenteng ikinandado, ayon kay Hernani Escullar, Regional Information Officer ng DepEd Western Visayas. 

Ang mga nabanggit na paaralan ay kabilang sa mga sumusunod na Local Government Unit (LGU):

  • Iloilo province — 10

  • Iloilo City — 1

  • Passi City — 3

  • Guimaras — 9

  • Aklan — 6

  • Antique — 9

  • Capiz — 7

  • Bacolod City — 6

  • Bago City — 1

  • Cadiz City — 1

  • Negros Occidental — 7

  • Sagay City — 2

  • Silay City — 9

  • Kabankakan City — 1

  • San Carlos City — 4

Inihayag ng DepEd-Western Visayas na handang tumanggap ang public schools ng mga estudyante mula sa mga isinarang paaralan.

Umarangkada ang in-person classes sa mga paaralan nitong nakaraang linggo, matapos magpatupad ng blended learning methods dahil sa COVID-19 pandemic. RNT/SA