DepEd aapela para sa mas mataas na honoraria ng mga guro sa Halalan 2022

DepEd aapela para sa mas mataas na honoraria ng mga guro sa Halalan 2022

December 9, 2021 @ 2:28 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Aapela ang Department of Education sa Commission on Elections na dagdagan ang honoraria para sa mga gurong magbibigay ng serbisyo sa May 2022 elections.

Sa panayam ng ANC, sinabi ni DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma na hindi pinaburan ng Comelec ang hiling ng DepEd para sa mas mataas na honoraria.

β€œWe requested the Comelec to have that increase in honoraria, it was initially disapproved by the Comelec so we will be appealing.”

β€œI think the position of DepEd is really to appeal for that increase in the honoraria,” dagdag pa nito.

Ikonokonsidera aniya ng DepEd na hindi sapat ang halaga ng honoraria ng mga guro.

Samantala, hiniling din ng DepEd ang health insurance coverage sa mga magseserbisyong magpopositibo sa COVID. RNT/FGDC