DepEd ban sa extra-curricular activities, nilinaw ng senador

DepEd ban sa extra-curricular activities, nilinaw ng senador

November 15, 2022 @ 11:28 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Kahit kailan ay hindi nagdeklara ang Department of Education (DepEd) ng ban sa extracurricular activities sa halip ay naglabas lamang ito ng alituntunin para sa mga paaralan, ayon sa senador nitong Lunes.

Sa deliberasyon ng DepEd proposed budget para sa 2023, humingi ng update si Sen. Risa Hontiveros sa development ng umano’y ban sa extracurricular activities.

Sinabi niya na para sa ilang stakeholders, ang “ban” ay hindi produktibo at nililimitahan ang holistic learning ng mga estudyante.

“They have never banned it. So let’s be clear about that. They never used the word ban so there is no ban,” paglilinaw ni Sen. Pia Cayetano, sponsor budget ng DepEd.

“Provision No. 6 under Department Order No. 34 series of 2022 states co-curricular and extracurricular programs may be conducted throughout the school year,” dagdag ni Cayetano.

Base kay Cayetano, ipinag-uutos sa probisyon na kailangang isagawa ang extracurricular activities matapos ang school hours, na hindi nakasasagabal sa learning time ng mga mag-aaral, at opsyonal ang pakikilahok dito.

“There are guidelines to be followed for extracurricular and co-curricular activities… It is a proposed list of activities, so it’s not exclusive. We can add to it,” aniya pa.

Inaprubahan ng Senado ang P678.1 bilyong proposed 2023 budget ng DepEd at attached agencies nito. RNT/SA