DepEd binigyan ng isang taon sa pagrepaso sa K to 12

DepEd binigyan ng isang taon sa pagrepaso sa K to 12

February 1, 2023 @ 5:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Binigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Education ng isang taon upang repasuhin ang K to 12 curriculum ng bansa.

“The President gave us a timeline of around a year to finish the review,” pagbabahagi ni DepEd spokesperson Michael Poa nitong Miyerkules, Pebrero 1 sa panayam ng CNN Philippines.

Nauna nang sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na susuriin ng kaniyang departamento ang K to 12 curriculum upang mas maging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral.

Sa speech ni Duterte, sinabi nito na lumitaw sa ongoing review ng curriculum na “its content is congested, that some prerequisites of identified essential learning competencies are missing or misplaced, and that a significant number of learning competencies cater to high cognitive demands.”

Sa kasalukuyan, natapos na ang review sa curriculum ng kinder hanggang grade 10 at nagpapatuloy naman ang review sa senior high school.

“We are trying to decongest our curriculum to focus on definitely the essential subjects and the basics, like math, reading, science,” ani Poa.

“We want to really look at literacy in a way that we’ll be able to inculcate not just foundational literacy and also functional literacy,” dagdag niya.

Sinabi pa nito na hindi mamadaliin ng DepEd ang review ngunit nangako na ipatutupad agad ang improved curriculum sa lalong madaling panahon.

Kasabay ng pagsusuri sa curriculum, sinabi ni Poa na mayroon din na pangangailangan sa upskilling at re-skilling ng mga guro, at ang pagtutok sa mental health at nutrisyon ng mga mag-aaral. RNT/JGC