DepEd, Comelec magtutulungan para sa karagdagang budget ng mga guro sa Halalan 2022

DepEd, Comelec magtutulungan para sa karagdagang budget ng mga guro sa Halalan 2022

December 10, 2021 @ 4:27 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Susuportahan ng Department of Education (DepEd) ang Commission on Elections (Comelec) upang mapa-oo ang Kamara para sa mas mataas na honoraria at benepisyo ng mga guro sa pampublikong paaralan na magsisilbing electoral board sa Halalan 2022.

“Nonetheless, we remain steadfast in helping the Comelec secure a higher budget from Congress to provide additional benefits for our DepEd personnel,” the DepEd said in a statement.

“We will continue to coordinate with Comelec these significant requests for our teachers and poll workers, who are dedicated to champion clean, safe, and fair elections next year,” ayon sa DepEd.

Pinasalamatan din ng DepEd ang poll body sa pagpayag sa pagsasaayos ng honoraria at allowances para sa mga guro at poll workers.

Noong isang buwan, inaprubahan ng Comelec ang karagdagang P2,000 sa honoraria at allowances ng poll workers na kalahok sa eleksyon sa Mayo 2022.

Base sa Comelec Resolution No. 10727, makatatanggap ang mga guro na nagbigay ng kanilang serbisyo sa Halalan 2022 ng mga sumusunod na benepisyo: chairperson ng electoral board, P7,000; electoral board members, P6,000; DepEd supervisor official, P5,000; at support staff, P3,000.

Makakukuha rin ng P2,000 travel allowance ang chairperson at members ng electoral board at DESO at kanilang staff.

Bibigyan naman ang DESO at DESO technical support staff ng communication allowance na P1,500 at mga miyembro ng EB, DESO, at kanilang team ng anti-COVID-19 allowance na P500.

Batay sa resolusyon, kailangang maibigay ang honoraria at allowances sa loob ng 15 araw mula sa petsa ng eleksyon. RNT/SA