DepEd ‘di magdedeklara ng ‘nationwide’ academic health break

DepEd ‘di magdedeklara ng ‘nationwide’ academic health break

January 14, 2022 @ 3:18 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi sila magdedeklara ng nationwide academic o health break.

Sa “Laging Handa” public briefing, sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ang pagdedeklara ng academic o health break sa lahat ng paaralan ay hindi na kasali sa konsiderasyon.

“Not nationwide,” ani Malaluan.

“May dalawang aspeto, ang pag-uulit ng academic ease measures para mapagaan ang burden ng guro at mag-aaral at pag-authorize ng suspension of classes for a maximum of two weeks.”

Sa memorandum na inisyu ng DepEd noong ENero 12, inatasan nito ang kanilang local offices sa pagsususpinde ng mga aktibidad at klase. RNT/FGDC